Nabasag ang Banga-Filipino Folk Song

Nabasag ang Banga
Lyrics by Hermogenes Ilagan
Music by Leon Ignacio

May isang dalagang nagsalok ng tubig
Kinis ng ganda nya'y hubog sa nilatik
Ano at pagkakaibig ng lumapit
ang isang binatang makisig

Wika ng dalaga'y, "Wag kang magalaw"
Tugon ng lalaki, "Ako'y kaawaan"
Sagot ng babae, "Wag kang mamwisit"
Sambot ng binata, "Ako'y umiibig."

CHORUS:
Ano ang nangyari?
Nabasag ang banga
'Pagkat ang lalaki ay napadupilas
Kaya't ang babae lalo't umiiyak
habang ang sinasabi ay
sila'y napahamak

Ang kinasapitan pagdating ng bahay
"Ano't umiiyak?" tanong ng magulang
Sagot ng dalaga, "Ay mangyari po, Itay
ako ay tinakot ng isang aswang.
Nang sasabihin kong wag magalaw
agad niyang inagaw ang banga kong tangay
kaya nga po't ako'y umuwing walang dalang tubig
at pati na ang baro'y napuno ng putik."

Repeat CHORUS

Comments