Bayan Ko - Awiting Bayan (Lyrics)
Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto't bulaklak,
Pag-ibig ang sa kanyang palad
nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay na halina
Bayan ko binihag ka
nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad,
Kulungin mo at umiiyak.
Bayan pa kayang sakdal dilag
ang di magnasang makaalpas;
Pilipinas kong minumutya,
pugad ng luha ko't dalita,
Aking adhika, makita kang sakdal laya
Bayan Ko in Music Notation in PDF Form
Watch and learn "Bayan Ko"-Music Notation in Video: Filipino Folk Song
Is it can be also used with the piano?
ReplyDeleteno PDF tho....why?
ReplyDelete