Ang Alamat ng Pinya Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya’t pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya’t napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: ” Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito’y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito’y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana’y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.
Popular Posts
-
Manang Biday Ilocano Folk Song Manang Biday, ilukat mo man ’Ta bintana ikalumbabam Ta kitaem ’toy kinayawan Ay, matayakon no dinak kaasian...
-
Author: Robert Bell Folk songs are, quite literally, songs of the people. And in determining the identity of a country, one can look no fu...
-
Si Filemon-Ilonggo Lyrics Si Filemon, Si Filemon namasol sa karagatan Nakadakop, Nakadakop, sang isda nga tambasakan, Guinbalig...
-
Ili-ili Tulog Anay - Visayan Folk song ( p or piano , meaning "soft") Ili-ili tulog anay, Wala diri imong nanay. Kadto tienda ...
-
Santa Clara - Awiting Bayan Santa Clarang pinung-pino Ang pangako ko ay ganito Pagdating ko po sa Ubando Ay magsasayaw ng pandanggo Aba...
-
Tuba (Pandanggo Visayan) Tempo: Allegretto Condansoy, inum tuba Laloy. Dili co moinom, tuba pait aslom Condansoy, inum tuba Laloy. Dili co m...
-
ANG HARDINERO Oriental Mindoro Folk Song Di bagamaraming bulaklak saan man! Makakapili ka Sarisaring kulay Kung ang mapili mo'y a...
-
Pandangguhan I Manunugtug ay nangagpasimula At nangagsayawan ang mga mutya Sa mga padyak parang magigiba Ang bawat tapakan ng mga bakya ...
-
Sinu-sino ang mga taong bumubuo ng bansang Pilipinas? Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng mga magkakalayong pulo. Bukod dito, maraming bund...
-
Rice Planting Planting rice is never fun Bent from morn till the set of sun, Cannot stand and cannot sit, Cannot rest for a little bit....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment