Popular Posts

Advertisement

Thursday, February 24, 2011

Medley of Filipino Folk Songs - arranged by Bernard Greene


May 17, 2009: Filipino-American Symphony Orchestra Gala Concert at Saban Theater in Beverly Hills, conducted by Robert Shroder.

Filipino Folk Songs Medley


A medley of Filipino folk songs for violin solo and piano, arranged by Nhick Ramiro Pacis. 14-year-old violinist Brent Taghap is accompanied by Nhick. These traditional Pinoy/ Philippine tunes include "Ay, ay, Pag-ibig", (Tagalog) "Pamulinawen" (Ilocano Folk Song), "Bakya Mo, Neneng" (Tagalog) and "Atin Cu Pung Singsing" (Pampagueno Folk Song). For more info on his music (compositions arrangements and performances), visit http://www.nhick.com . This music video was taken at the FAS Philippine Cultural Show in Kissimme, Forida in June, 2010.

Tuesday, February 22, 2011

Dahil Sa Iyo-Filipino Folk Song: Guitar Instrumental


Dahil Sa Iyo-Filipino Folk Song
This is based on Pedro Concepcion's recording on the guitar with orchestra. marmendoza8

Babalik Ka Rin - Filipino Folk Song

"O Pagibig" (A Filipino Folk Song)

Monday, February 21, 2011

Banao Lyrics- Filipino: Kalinga Folk song

O-wah, o-wah, o-wah-wi-iyi-i
Nasigab man-tagibi-iyi-i
Maid suyop no labvi
Anosan ta'n bvobva-i-i-i
Siya't kopyan dji bvo-bva-i
O-way adjo't ligatmi-i-iyi
Man-i-goygoy no labvi
O-wah, o-wah, o-wah-wi--iyi-i

Friday, February 18, 2011

Pamulinawen (Tagalog version)-Ilocano Folk Song

Pamulinawen
(Tagalog version)
by Pastor de Jesus

Huwag kang magtampo
Iyon ay biro lamang
Di na uulit
Manalig ka Hirang
Kung galit ka pa
Parusahang lubusan
At 'yong asahang
Hindi magdaramdam

Tunay ang aking pagibig
At hindi biru-biro lamang
Ang puso ko'y sa iyo
Huwag kang magalinlangan
At kung kulang pa rin
Ay kunin mo pa yaring buhay
'Yan ay tanda ng
Sukdulang pagmamahal

Kung galit ka pa
Parusahang lubusan
At 'yong asahang
Hindi magdaramdam
Tunay ang aking pagibig
At hindi biru-biro lamang
Ang puso ko'y sa iyo
Huwag kang magalinlangan

At kung kulang pa rin
Ay kunin mo pa yaring buhay
'Yan ay tanda
ng sukdulang pagmamahal.

Magandang Pilipinas-Filipino Folk Song by J. Balita

Magandang Pilipinas
Filipino Folk Song by J. Balita

Sa langit ng aking bayan
Ang mga bituin kay inam tingnan
Dito'y may saganang lupa
Sa paggiliw, walang papantay


Magandang Pilipinas
Sa biyaya ay mapalad
Laging kaysaya ng buhay
Pilipinas kong Inang Bayan

Ay, ay, ay, ay O pagibig - Filipino Folk Song by Gonzalez

Buhat nang kita'y makita
Nadama ang pagsinta
Ng puso kong nagdurusa
Giliw ko, maawa ka.

Huwag mo sanang pahirapan
Puso kong nagdaramdam
Pagka't magpakailan man
Ikaw ang tunay kong mahal.

Ay, ay, ay, ay O pagibig
Pagpumasok sa puso ay may ligalig
Ay, ay, ay, ay, ay hanggang langit
Ang pangako ng pusong umiibig

Ako'y Kampupot -Filipino Folk Song by Velez

Ako'y Kampupot
Filipino Folk Song by Velez
 
Ako'y kampupot
Na bagong sikat
Ang halimuyak
Sadyang laganap
Kaligayahan sa bawa't oras
Man din ang nais


Tanging paglingap

Kaya't noong minsan
Ay napakinggan
Isang binatang
Nananambitan
Puso kong taglay
Lubhang pihikan
Ay narahuyo sa panawagan.



Refrain:

Nasaan yung pangarap
Ng paglalambingan
Tangan na ng aking hirang
Alay ay kaligayahan


Kay tamis nga naman
Mabuhay 'ta sa pagmamahal
Kung ang ligaya ay makakamtam
Sa habang buhay.

Thursday, February 17, 2011

Ating Saug a Malati (Lyrics) Filipino: Capampangan Folk Song

Ating Saug a Malati (Lyrics)
Capampangan Folk Song

Ating saug a malati
E mabasa e malangi
Parati reng pipandiluan,
parati reng pipandiluan
Detang manandaman pali

Quetang pampang nang macapadurut
Mengacapal na ing dicut
Balang tumalas tatalbug,
balang tumalas tatalbug
Sasaca lang mangalambut

Quetang cayang talimunduc
Menga tubuanan neng lumut
Carin do acacua bini,
carin do acacua bini
Garapata ampong suldut
Itang cacung sinambitla
Queting liguran tang bansa
Aguiang masias cang sagupa,
aguiang masias cang sagupa
Lambut carin panga baguia

Itang cacung sinambitlan
Queti balen Capampangan
Aguiang nanan meng tarucan,
aguiang nanan meng tarucan
Mate naca e me dasnan

Acu na sana ing cuintas
Queng salu mu sapad-sapad
Ba cu na lang asasalat,
ba cu na lang asasalat
Detang aduang mansanitas

Acu nasa-ing meguing tabu
Qng arap mu andu-andu
Ba cu nia mung abibiru,
ba cu nia mung abibiru
Maluat mu nang catutubu.

Ing Aldo Ning Quequeng Casal (Lyrics)-Filipino: Capampangan Folk Song

Ing Aldo Ning Quequeng Casal
Capampangan Folk Song

Pengacu ning cacung sintang cacung liguran
Queng Domingo aldo na ning quequeng casal
Mipalucsu ya'ing pusu cu queng tula't ligaya
Micaul que pang adua bayu memun caya

Aniang miras ing aldo ning quequeng tipanan
Migayac at misulud cung pangcasal
Bigung calma aniang miras cu lele altar ning pisamban
Cacasal de ring aliwa'y Sintang Irang. (2x)

Refrain:

Sintang Irang ning bie co
Ica ing mal canacu
Nung miwale ca siping cu
Ay mate cu!
Nung sampaga caman sa, acu ing ambun
Acung babie tula qng pusu paragul
Potang maco nacu bigla cang magticum
Qng tanque malanat
Qng tanque malanat
Mabaldug qng gabun!

May kabaw (Lyrics)-Filipino: Ilocano Folk Song

May kabaw
Ilocano Folk Song

May kabaw kong gialimahan
Gipasilong sa landong sa kahoy
Pag-abot sa kahaponon,
ibalhin ko intawon
Ang baba`, a wangi-wangi-on
Ang dalunggan ikapay-kapay
Ang ikog ilamba-lamba
Ibugaw sa daghang langaw

Manang Biday (Lyrics)-Filipino: Ilocano Folk Song

Manang Biday
Ilocano Folk Song

Manang Biday, ilukat mo man
’Ta bintana ikalumbabam
Ta kitaem ’toy kinayawan
Ay, matayakon no dinak kaasian

Siasinnoka nga aglabaslabas
Ditoy hardinko pagay-ayamak
Ammom ngarud a balasangak
Sabong ni lirio, di pay nagukrad

Denggem, ading, ta bilinenka
Ta inkanto ’diay sadi daya
Agalakanto’t bunga’t mangga
Ken lansones pay, adu a kita

No nababa, imo gaw-aten
No nangato, dika sukdalen
No naregreg, dika piduten
Ngem labaslabasamto met laeng

Daytoy paniok no maregregko
Ti makapidut isublinanto
Ta nagmarka iti naganko
Nabordaan pay ti sinanpuso

Alaem dayta kutsilio
Ta abriem ’toy barukongko
Tapno maipapasmo ti guram
Kaniak ken sentimiento

O caca Ocaca (Lyrics)-Filipino: Pampanga Folk Song

O caca, o caca (Lyrics)

O caca, o caca
Cabalat papaya,
Sabian mu nang patas
Nung e na ca bisa

Refrain:
Queta man quecami
Dacal lang baluga
Mangayap la queca
Biasa lang mamana!

Wednesday, February 16, 2011

Auld Lang Syne (Lyrics and Sheet Music)-Traditional Scottish Folk Song

Auld Lang Syne (Lyrics)
Poem by Robert Burns
TRADITIONAL SCOTTISH FOLK SONG

Should auld acquaintance be forgot,
And never brocht to mind?
Should auld acquaintance be forgot,
And days of auld lang syne?
For auld lang syne, my dear,
For auld lang syne;
We'll tak' a cup o' kindness yet
For auld lang syne.

Home Sweet Home by John H. Payne and Henry Bishop (Sheet Music)

Home Sweet Home
by John H. Payne and Henry Bishop
Payne was a wanderer from boyhood. Often after this song became popular, he heard it sung in cities where he was homeless and alone.
'Mid pleasures and palaces
Though we may roam,
Be it ever so humble,
There's no place like home.
A charm from the skies
Seems to hallow us there,
Which seek thro' the world,
Is ne'er met with elsewhere.
Home, home, sweet sweet home,
There's no place like home,
There's no place like home.

Tuesday, February 15, 2011

Kapaligiran (Lyrics) ng Asin: Filipino Folk Song

Kapaligiran (Lyrics)
ng Asin: Filipino Folk Song
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
REFRAIN 1
Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman

Anak (Lyrics) ni Freddie Aguilar-Fiipino Folk Song

Anak (Lyrics)
ni Freddie Aguilar

Nang isilang ka sa mundong ito,
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw.
At ang nanay at tatay mo,
‘di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo.
Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo.
At sa umaga nama’y kalong
Ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.
Ngayon nga’y malaki ka na,
Nais mo’y maging malaya.
‘di man sila payag,
Walang magagawa.
Ikaw nga’y biglang nagbago,
Naging matigas ang iyong ulo.
At ang payo nila’y,
Sinuway mo.
Hindi mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa’y para sa iyo.
Pagka’t ang nais mo masunod ang layaw mo,
‘di mo sila pinapansin.
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulon
Sa masamang bisyo.
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha.
At ang tanong,
“anak, ba’t ka nagkaganyan?”
At ang iyong mga mata’y biglang lumuha
Ng ‘di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo,
Nalaman mong ika’y nagkamali.

Kalikasan - by Sanny Tendilla (Video and Music Notation)

Watch this video of Kalikasan song with Music notation

Monday, February 14, 2011

Tayo’y Mga Pinoy (Lyrics) By Banyuhay: Heber Bartolome-Filipino Folk Song

Tayo’y Mga Pinoy (Lyrics)
By Banyuhay: Heber Bartolome

Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.

Dito sa Silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay-kayumanggi
Ngunit di ko maipakita, tunay na sarili.

Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?

Chorus 1

Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayron naman tayo
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.

Dito sa Silangan, tayo'y isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran?

Repeat Chorus 1

Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayron naman tayo
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.

Chorus 2

Mayrong isang aso, daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, painglis-inglis pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman
Wag na lang.

[Musical Interlude]
Repeat Chorus 2, except last line

Mayrong isang aso, daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, painglis-inglis pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman

Wag na, oy oy
Oy, ika'y Pinoy
Oy oy, ika'y Pinoy.

Handog by Florante - Filipino Folk Song

Handog by Florante - Filipino Folk Song
(Lyrics)

Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lamang isang awitin

Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Kaya't itong awiting aking inaawit
Nais ko'y kayo ang handugan

Tatanda at lilipas din ako
Ngunit mayro'ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan, tayo'y nagkasama

Parang kailan lang
Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan
Dahil sa inyo
Narinig ang isip ko at naintindihan
Dahil dito'y ibig ko kayong ituring
Na matalik kong kaibigan

Tatanda at lilipas din ako
Ngunit mayro'ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan, tayo'y nagkasama

Tatanda at lilipas din ako
Ngunit mayro'ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan, tayo'y nagkasama

(Fading out…)
Tatanda at lilipas din ako
Ngunit mayro'ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan, tayo'y nagkasama

Sunday, February 13, 2011

Pamaypay ng Maynila Lyrics: Filipino-Tagalog Folk Song

Pamaypay ng Maynila - Lyrics

Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan
May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralan
Ang bawa’t mga kilos sa padyak ng pamaypay
Ay siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay.

Kung ito’y nakatabing sa tapat ng mukha ko
Ang ibig na sabihin may pag-asa sa puso ko
Nguni’t pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyo
Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo.

Pag ito’y pinamaspas na panay ang pagaspas
Ako ay nagagalit, huwag mo sanang babatiin
Subali’t pagmalaya, may ibig alamin
Ako ay umiibig, lapitan mo, aking giliw.

Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitin
Pang-aliw at panglunas sa mainit na damdamin
Bawa’t simoy ng hangin na dito ay nanggaling
Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin

Tilibong Tilibong lyrics-Filipino-Tagalog Folk Song

Tilibong tilibong lyrics

tilibong tilibong
si timbong nagsabong
nanalo ng piso
sumakay pa sa auto
ang auto ay kiling
ang tsuper ay duling
nabangga sa pader
nalagas ang ngipin.

Inday sa Balitaw: Filipino-Tagalog Folk Song

Inday sa Balitaw

Inday, Inday sa Balitaw
Kahoy nakahapay,
Sandok nakasuksok,
Palayok nakataob,
Sinigang na matabang
Kulang sa sampalok.

Saturday, February 12, 2011

Buyayang Buyayang: Filipino-Butuan Folk Song

Butuan Folk Song-Buyayang Buyayang

Buyayang buyayang
Buyayang sa tubig
Ako manakayan wa bay katigkatig
Di na mogaud
Tukon lang kanunay
Diin mikadahik
Sa bugan ni Nene.

Friday, February 11, 2011

Salampating Guminaro: Filipino-Bicol Folk Song

Salampating Guminaro
Bicol Folk Song
Salampating guminaro
Guminaro dahil saco
Ano daw an kinamundo
Ta naglayog nin harayo.
Luminayog paibaba
Napaturo si sacong luha
Naging salog, naging sapa
Naging danao na dacula.
Hala cang salampati ca
Madacop ca nin iba
Ilalaog ca sa hawla
Sa hawlang may seradura
Salampating liyaliya
Tuminogdon sa kristia
Pag-abot ni señor cura
Kuminantang alleluya.

Thursday, February 10, 2011

(Filipino-Ilocano Folk Song) Dungdungwen Kanto-Video Karaoke

Dungdungwen Kanto - Ilocano Folk Song
Lyrics
Dungdunguen kanto unay unay,
Indayonen kanto iti sinamay
Tultuloden kanto nalumanay
Pagamuanen inka mailibay

Apaman nga inkanto makaturog
Iyabbongkonto ta rupam daytoy paniok.
Tapnon dinakanto kagaten ti lamok
Ken maimasmonto't maturog.

Annay, pusok, annay, annay,
Nasaem, naut-ut la unay.
Itdem kaniak ta pannaranay
Ta kaasiak a maidasay.

Dungdungwen Kanto-Video Karaoke

Video Credit: JELCALSO

Filipino Folk Song Bakya Mo Neneng

Bakya Mo Neneng Lyrics

Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta;
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang dating kahapong tigib ng ligaya.

Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Hindi mo ginamit ang bakya kong inalay?
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay.

Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya mo, Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang 'yan ang munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang,
Ang aliw ko kailan man.


Bakya Mo Neneng by; Mabuhay Singsrs

Video Credit:rhose52

Dahil sa Isang Bulkaklak by Levy Celerio-Filipino Folk Song

DAHIL SA ISANG BULAKLAK
Lyrics by Levy. Celerio
by Ruben Escare

Inulila mo, sinta,
ang puso kong nagmamahal,
Ngayon ay nag-iisa
at palaging nalulumbay.
Di mo ba nababatid na ikaw ang mahal?
Kung malayo ka ay aanhin, giliw,
yaring buhay...

Inulila mo ako, ano ang magagawa
Kung hindi ang magtiis
sa pagsuyong nawala,
Lagi nang namamanglaw
ang pusong nag-iisa
Inulila mo, inulila mo ako, sinta.

Wednesday, February 9, 2011

CALABARZON - Region IV-A, Philippines in Music Notation and Lyrics

CALABARZON (Lyrics)

Dito sa Timog Katagalugan
Sumibol ang bagong pangalan
Ang kaunlaran kay bilis at masagana
Lahat kami'y may pagkakaisa
Sa mithiin ay sama-sama
Mabuhay ang CALABARZON
CALABARZON sa habang panahon.

Lalawigang Rizal, Cavite, Laguna,
Batangas, Quezon at mga lungsod pa
Antipolo, San Pablo, Cavite, Lucena,
Batangas, Calamba, Sta Rosa,
Dasmariñas, Tanauan at Lipa.
Hey! Hey!

Mga kawani ay katangi-tangi
Maglingkod ang laging gawi.
Kaylan pa man sa Diyos amg aming lahi.
Kabataan ay paunlarin
Ito ang unang layunin.
Mabuhay ang CALABARZON
CALABARZON sa habang panahon.

CALABARZON Instrumental in Music Notation
Note: This music is outdated. A new city called Dasmariñas has been added in the new CALABARZON song.

Filipino Folk Song: Ala-ala Kita sa Pagtulog

Ala-ala Kita sa Pagtulog

Tagalog Folk Song


Akala mo yata kita'y nililimot
Alaala kita sa gabing pagtulog
Ang inuunan ko luhang umaagos
Ang binabanig ko ay sama ng loob.


Di ka na nahabag, di ka na naawa.
Lusak na ang lupa sa patak ng luha.

Buksan mo na neneng ang munting bintana
At ako'y dungawin nagmamakaawa.

Nipa Hut-Bahay Kubo: Filipino folk song (English)

Nipa Hut
(Bahay Kubo)

Nipa hut even though it is small
The plants it houses are varied
Turnip and eggplant, winged bean and peanut
String bean, hyacinth bean, lima bean.

Wax gourd, luffa, white squash and pumpkin,
And there is also radish, mustard,
Onion, tomato, garlic, and ginger
And all around are sesame seeds.

Tuesday, February 8, 2011

Nabasag ang Banga-Filipino Folk Song

Nabasag ang Banga
Lyrics by Hermogenes Ilagan
Music by Leon Ignacio

May isang dalagang nagsalok ng tubig
Kinis ng ganda nya'y hubog sa nilatik
Ano at pagkakaibig ng lumapit
ang isang binatang makisig

Wika ng dalaga'y, "Wag kang magalaw"
Tugon ng lalaki, "Ako'y kaawaan"
Sagot ng babae, "Wag kang mamwisit"
Sambot ng binata, "Ako'y umiibig."

CHORUS:
Ano ang nangyari?
Nabasag ang banga
'Pagkat ang lalaki ay napadupilas
Kaya't ang babae lalo't umiiyak
habang ang sinasabi ay
sila'y napahamak

Ang kinasapitan pagdating ng bahay
"Ano't umiiyak?" tanong ng magulang
Sagot ng dalaga, "Ay mangyari po, Itay
ako ay tinakot ng isang aswang.
Nang sasabihin kong wag magalaw
agad niyang inagaw ang banga kong tangay
kaya nga po't ako'y umuwing walang dalang tubig
at pati na ang baro'y napuno ng putik."

Repeat CHORUS

Walay Angay-Filipino Folk Song Lyrics and Karaoke

Walay Angay-Filipino Folk Song
lyrics
Walay angay ang kamingaw
Ang magpuyo sing walay kalipay
Pirme ang buot gumapung-aw
Guican sa walay pahuway nga pagtu-aw



Ang puso ko'y namamanglaw
Pagkat ayaw mong dinggin man lamang
Araw, gabi dalangin ko
Na magbalik ang tunay na gagsuyo mo



Di ka na nahabag
Di ka na naawa
Sa aking puso na nagdurusa
Ng dahil sa 'yo

Hanggang may hininga
Di na magbabago
Ang sumpang ikaw lang
Ang iibigin ko

Watch Walay Angay-Filipino Folk Song in Karaoke

Kung Nagsasayaw Kita-Filipino Folk Song

Kung Nagsasayaw Kita-Tagalog Folksong
Kung nagsasayaw kita at umiindak
Puso ko’y sumisigla at pumipiglas
Dahil sa ikaw ang tangi kong nililiyag
At pangarap ka ng puso ko sa magdamag.
Bakit ba naman ikaw ay lumalayo
Di pa tanggapin itong pagsuyo.
Kung nagsasaya kita, dibdib ko’y kumakaba
Sana’y huwag matapos ang madlang saya
Tunay na tunay ba? Pagsuyo ko’y tunay!
Hanggang kailan nga ba? Hanggang may buhay!
Di na magmamaliw ang naglahong araw
Araw ng pagsuyo di mapaparam.

Barong Tagalog by Santiago S. Suarez-Filipino Folk Song

Barong Tagalog by Santiago S. Suarez
Filipino Folk Song
Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik
Ang barong Tagalog na sadyang makisig.
Mahaba-habang panahon nawaglit sa ating isip
Na ito’y damit ng bansang kay hirap malupig.

Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga
Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina.
Sa sariling bayan nati’y alinsangan
Makapal na kayoy hindi kailangan.

Ang barong Tagalog kahit sinamay lang
Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang.
Nang maghimagsik itong ating bansa
Dahil sa paglaya

Ang barong Tagalog natin ay dakila
Pagka’t siyang ginamit
Ng bayaning namayapa.

Banahaw-Philippines: Filipino-Tagalog Folk Song

Banahaw
Tagalog Folk Song


Ang huni ng ibon, aliw-iw ng batis
Sa bundok Banahaw
Ay inihahatid, ay inihahatid
Nang hanging amihan
Kaya't yaring abang puso
Sakbibi nang madlang lumbay
Sa sandaling ito, sa sandaling ito'y
Naliligayahan.

Halina, irog ko at tayo'y magsayaw
Sa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay
Dini naman sa lumang kudyapi
Ikaw irog aking aawitan
Sa saliw ng hanging palay-palay
Sa bundok ng Banahaw.

Ahay Tuburan: Filipino-Visayan Folk Song

Ahay Tuburan
Visayan Folk Song

Tubig nga matin-aw
Ga ilig sa ubos
Gikan sa ibabaw
Kon ako cumacancion
May dalang kamingao
Adios na ti adios
Baya-an ta ikaw.

Tubig na malinaw
Umaagos paibaba
Galing sa itaas.
Kung aka ay umaawit
May dalang kalungkutan
Paalam na o paalam
Ikaw ay aking iiwan.

Monday, February 7, 2011

Dalisay-Filipino Folk Song Performed by Jackie Cuevas on Piano

First 30 seconds teacher Renee asking audience if they know what Dalisay means?

If you like to view this video in higher quality click on this url address

http://www.youtube.com/watch?v=CQgxLR...
(make sure to close the video that was first opened up otherwise there will be two videos playing concurrently.)

If you want to view it without interruptions from constant buffering see the How To at the bottom part.

"Dalisay" is one of the many pieces played by Jackie in her intermediate level recital on Nov. 16, 2008 presented by her teacher, Renee, at the Rodeo Gateway senior community. "Dalisay" is a sweet exciting delighful composition to listen to. Enjoy!

Video Credit: aFanLikeU

Rosas Pandan-Filipino: Visayan Folk Song

Ania si Rosas Pandan
Gikan pa intawon sa kabukiran
Kaninyo makiguban-uban
Sa gisaulog nga kalingawan

Balitaw day akong puhunan
Maoy kabilin sa akong ginikanan
Awit nga labing kara-an
Nga garbo ning atong kabungturan

Dika ding dika ding dika ding
Ayay sa atong balitaw
Manindot pa ug sayaw
Daw yamog ang kabugnaw

Dika dong dika dong dika dong
Ayay usab si Dodong
Nagtan-aw kang Inday
Nagtabisay ang laway

Ayayay ayayay ayayay
Aya-ay sa akong balitaw
Kanindot ba mosayaw
Daw yamog ang kabugnaw

Tigadong tigadong tigadong
Ayay usab si Dodong
Nagtan-aw kang Inday
Nagtabisay ang laway

Balitaw day akong puhunan
Maoy kabilin sa akong ginikanan
Awit nga labing kara-an
Nga garbo ning atong kabungturan


Video Credit: nsysuchorus

Kuratsa-Not a Filipino Folk Song but a Filipino Folk Dance

Kuratsa is not a Filipino folk song that some have to mislead. It is a Filipino folk dance.

The Kuratsa or Curacha was once a very popular dance in different parts of the Philippines, particularly in the Visayas region.It was influenced by the Spanish.

Here is the video of the Folk Dance Kuratsa o "Curacha".


Video Credit: Saiaopinoi

Sunday, February 6, 2011

Ako'y Pinoy by Florante-Filipino Folk Song


Ako’y isang pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y pinoy na mayroong sariling wika

Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan
Si Gat. Jose Rizal noo’y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa

Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan

Ako’y isang pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y pinoy na mayroong sariling wika

Ang Hardinero-Oriental Mindoro Folk Song


ANG HARDINERO
Oriental Mindoro Folk Song

Di bagamaraming bulaklak saan man!
Makakapili ka Sarisaring kulay
Kung ang mapili mo'y ang bulaklak ng rosal
Di ibig pitasin sa sanga at tangkay Di bagama.

Di mo ba gatanto na ako'y asusena
Ang hardinero ko'y si Ama't si ina?
Bago ka pumitas bulaklak sa sanga
Sa hardinero'y magsabi ka muna

Bulkan Bulusan, Mayon, Isarog-Bicol Folk Song

Bulkan Bulusan, Mayon, Isarog, na bakong tunay
Saen man ako paduman, di ko malingwan
Masko harayo na ibang lugar
Sakong maabtan, luha sa mata ko
Minabulos kung narumduman

Bulkang Bulusan nasa probinsiyang Sorsogon
Bulkang Isarog naman nasa probinsiyan Sorsogon
Probinsiyang Albay, na yaon ang
Bulkan na Mayon
Ang gayon nya daeng karibay
Orgolyo nin Bicolnon.

O Fortune!, O Kapalaran-Folk Song from Romblon,Island of Talbas

Folk Song from Romblon
Island of Talbas
Adapted by Abby Farwell Brown

The herd-boy sings this song as he tends his carabaos.

O Fortune!
(English)

Fortune good, Fortune kind,
Hard to seek, hard to find!
Fortune sweet, fortune fair,
Hard to catch, hard to snare!

Fortune seen, fortune found
Rose at morn big and round!
Fortune sinks, Fortune bright,
Fades and sets with the night!

O Kapalaran
(Tagalog)

Palad ko, palad ko,
Marikit, maganda.
Palad kong matamis
Mahirap makita.

Palad kong nagisnan
Sa dapit umaga,
Palad kong sa gabi'y
Natuyo't nalanta!

Fair Bukidnon (Ikaw, Oh, Bukidnon)-Bukidnon Folk Song

Fair Bukidnon-Bukidnon Folk Song
English

Upon the grassy plains of fair
Bukidnon contented cattle graze
With herdsmen gazing on.
Fair streams of water clear
that flow from verdant hills
Give life to homes and farms
And feed the busy mills.

Ikaw, Oh, Bukidnon-Bukidnon Folk Song
Tagalog

Ikaw, oh, Bukidnon sa puso'y aliw
Mga bukirin mo'y tuwa ng panimdim.
Ang awit ng iyong batisa'y malambing,
Mga bituin mo'y walang kasing ningning

Saturday, February 5, 2011

Ay Ay Kalisud-Visayan Folk Song (Ilonggo Folk Song)

Ay ay Kalisud-Ilonggo folk song
by: Jovita Fuentes


Ay ay kalisud, kalisud ng binayaan
Adlao gabi firmita itao gui natangisan
Ay ay Inday nga walay sing kapalaran
Walay guid walay guid
Sarang ko kalipayan

Ay cielo azul iabao! diin ka na
Baluiguita bangi ang nabilango sang gugma
Mayad pa ang mamatay kun halus mamatay
Agud di ako maka dumdum
Nga ako walay kalipay.

O Ilaw : Filipino Folk Song Lyrics and Video(Tagalag and English)

O Ilaw : Filipino-Tagalog Folk Song

O, ilaw, sa gabing madilim
Wangis mo'y bituin sa langit.
O, tanglaw, sa gabing tahimik
Larawan mo, Neneng,
nagbigay pasakit. Ay!

Gising at magbangon
sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog
na lubhang mahimbing.
Buksan ang bintana
at ako'y dungawin
Nang mapagtanto mo a
ng tunay kong pagdaing.

O Light (English)
O, light, in the cold night
You're like a star in the sky
O, light, in the quiet night
Your picture, Neneng,
makes one hurt. Oh!

Awake and arise
from slumber
from your sleep
so deep.
Open your window
and look out to me
So that you may understand
my true lament.

O Ilaw : Filipino-Tagalog Folk Song Video Karaoke
Video Credit

Friday, February 4, 2011

Iba't-ibang Pangkat ng mga Filipino

Sinu-sino ang mga taong bumubuo ng bansang Pilipinas?
Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng mga magkakalayong pulo. Bukod dito, maraming bundok ang nakahiwalay at nakapagitan sa mga pangkat ng Pilipinong naninirahan sa Pilipinas. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa wikain, pananampalataya, paraan ng pamumuhay, kaugalian at tradisyon ang mga tao. Bunga nito, nagkaroon ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipino. Mauuri sila sa dalawa. Ang una ay binubuo ng mga malalaking pangkat ng mga Pilipino na naninirahan sa kapatagan at tabing-ilog. Ang ikalawang pangkat ay kinabibilangan ng mga maliliit na pangkat na karaniwang naninirahan sa mga kabundukan at mga malalayong lugar. Sila ay tinatawag na minoryang kultural. Maliit lamang ang bilang ng bawat maliliit na pangkat na ito. Sila'y  namumuhay ayon sa sinaunang paraan at sa pamumuhay na kanilang kinamulatan.

Ang Malalaking Pangkat ng mga Pilipino

Ag mga Ilocano
Nagmula ang mga Ilokano sa hilagang bahagi ng Luzon. Sila ay naninirahan sa mga rehiyong matatagpuan sa mga bulubundukin na may makitid na lupang sakahan. Bunga nito, di-sapat ang pinagkukunan nila ng ikinabubuhay. Kaya naman, kilala ang mga Ilocano sa pagiging masinop, masipag, malikhain at mapagtiis. Dahil din sa kakulangan sa mga likas na yaman, marami sa kanila ang nandarayuhan sa ibang rehiyon o sa ibang bansa. Malikhain din ang mga Ilokano bunga na rin ng kakulangan sa mga materyal na bagay mula sa kanilang kapaligiran. Makikita ito sa kanilang mga produkto tulad ng burnay (mga banga, plorera at iba pang mga kagamitan mula sa luwad), hinabing tela, muwebles (mesa, upuan at kagamitang-bahay na yari sa kahoy at kawayan), tabako at iba pa.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Pangasinense
Ang mga Pangasinense ay naninirahan sa timog ng Hilagang Luzon. Kagaya ng mga Ilocano, naninirahan sila sa kapaligirang di-sapat ang pinagkukunan ng ikabubuhay. Sila ay masisinop, masisipag at umaasa sa sariling kakayahan. Pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan nila ng ikinabubuhay. Kabilang sa kanilang produkto ay isda at mga produkto mula sa isda gaya ng bagoong at daing.

Ang mga Kapampangan
Mula sa lalawigan ng Pampanga, ilang bahagi ng Tarlac at Nueva Ecija ang mga Kapampangan. Ang mga lugar na ito ay tinaguriang Gitnang Luzon na may malawak at matabang lupang sakahan. Isang dahilan ito kung bakit ang mga Kapampangan ay sagana sa pagkain at rekado. Dahil dito, mahusay at masarap silang magluto. Hindi nila suliranin ang pinagkukunang-yaman. Ang mga Kapampangan ay mahilig sa kasiyahan, pananamit at pag-aayos ng sarili.

Ang mga Tagalog
Ang mga Tagalog ay naninirahan sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, Laguna, Rizal, Cavite, Batangas, Quezon, Marin1uque at Mindoro. Nasa gitna ng mga lalawigang ito ang Kalakhang Maynila na kinikilalang sentro ng pulitika edukasyon, kultura at kabuhayan. Mayaman ang mga lupain ng Katagalugan kaya paboritong pasyalan . ito ng mga ibang pangkat ng mga Pilipino. Ang kagandahan ng kalikasan ang dahilan kung bakit isinasabuhay ito ng mga tao sa iba't ibang anyo ng sining gaya ng paglikha ng tula, awit at iba pang anyo ng panitikan. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Tagalog sa kanilang sarili at pamilya. Mahigpit ang pagkakabuklud-buklod ng mga kasapi ng bawat pamilya.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Bikolano
Matatagpuan ang mga Bikolano sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate, Sorsogon at Catanduanes. Ang tangway ng Bicol ay mayaman sa mga biyayang pangkalikasan datapwat ito ay madalas daanan ng bagyo. Ito ang pangunahing dahilan ng pagiging maingat nila sa kapaligiran. Dahilan din ito ng kanilang pagiging relihiyoso. Ipinapasa-Diyos nila ang anumang sakuna o kalamidad na dumarating sa kanilang buhay dulot ng kalikasan. Ayon sa mga pananaliksik, maraming pari at madre ang nagmula sa rehiyong ito. Mahilig sila sa mga kasiyahan at pagdiriwang na panrelihiyon bilang pasasalamat sa magandang ani. Mahilig sila sa mga pagkaing maanghang at sa mga pagkaing may gata. Ipinagmamalaki nila ang mga produkto mula sa abaka, pili, anahaw at iba pa.

Ang mga Ilonggo
Ang mga Ilonggo ay biniyayaan ng maganda at masaganang lupain. Mayaman din ang kanilang mga anyong tubig. Dala ng likas na ganda ng kanilang lupain, ang mga Ilonggo ay kilalang   romantiko, malumanay magsalita mahinahon at malambing. Naglalaan sila ng panahon ng pagliliwaliw matapos ang isang buong araw na pagtatrabaho. Magiliw sila sa mga bisita kaya lagi nilang pinipilit na bigyan ng kasiyahan ang mga ito sa bawat pagdalaw.

Ang mga Cebuano
Kilala ang mga Cebuano sa tawag na Sugbuhanon o Sibuhanon. Naninirahan sila sa Kalakhang Cebu, mga kalapit na lalawigan, kabilang na ang malaking bahagi ng Mindanao. Kaya naman, ang mga Cebuano ang may pinakamalaking bilang ng pangkat-Pilipino. Pumapangalawa sa kanila ang mga Tagalog.
Mahilig silang makipagsapalaran sa lunsod. Sa katunayan, marami sa kanila ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng bansa. Karamihan din sa kanila ay mga Katoliko. Hindi ba't ang Cebu   ang naging unang pamayanang Kastila sa Pilipinas? Ang mga Cebuano ang unang nahikayat ng mga Kastila na maging Katoliko.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Waray
Ang mga Waray ay nagmula sa mga pulo ng Samar at Leyte. Sagana sa mga yamang-lupa at yamang-dagat ang kanilang Lugar. Subalit, madalas daanan ng bagyo ang kanilang lugar na nagbubunga ng pagkasira ng kanilang mga ari-arian.  Bunga nito, ang mga Waray ay masisinop, may payak na pamumuhay at may matatag na kalooban sa mga pagsubok sa buhay. Sila ay matiisin at di maluho sa buhay.

Ang mga Muslim
Ang mga Muslim na  Pilipino ay mula sa iba't ibang lalawigan ng Mindanao. Kilalang- kilala sila sa katapangan  kaya hindi nasakop ng mga dayuhan ang kanilang lupain. Tapat sila sa kanilang binitawang salita. Labis ang pagpapahalaga nila sa mga kautusan mula sa Koran, ang kanilang Banal na Aklat.

Ang mga Pangkat-Minorya
Kilalanin ang mga pangkat-minorya. Maraming mga pagbabago ang nagaganap sa Pilipinas. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, mayroon pa ring maliit na bahagi ng ating populasyon na nananatili sa sinaunang tradisyon, kultura, paniniwala at paraan ng pamumuhay. Sila ang mga katutubo o ang mga pangkat-minorya. Maliit lamang ang kanilang kabuuang bilang. Kilala rin sila bilang minoryang kultural sapagkat napanatili nila ang kinagisnan nilang kultura.

Humigit-kumulang sa 60 pangkat-etniko ang matatagpuan sa ating bansa. Narito ang Ilan sa kanila.

Ang mga Ifugao
Naninirahan sa mga lalawigan ng Ifugao at Benguet ang mga Ifugao. Sila ay matatalino at matitiyaga.
Pinatunayan ito ng kanilang nilikhang pay-yo o ang hagdan-hagdang palayan sa Banaue. Sila ay masisipag. Nabubuhay sila sa pagsasaka, paglililok ng mga kasangkapang kahoy at paghahabi ng bulak at kapok upang gawing kumot, bahag at damit. Dahil sila ay namumuhay sa kabundukang may napakalamig na klima, ang kanilang tirahan na yari sa puno ng pino at kugon ay walang bintana. Matatapang din sila. Buong tapang nilang ipinagtanggol ang kanilang lupain laban sa mga Kastila.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Bontoc
Matatagpuan sa Benguet, Ifugao at Mountain Province ang mga Bontoc. Sila ay lubhang palakaibigan. Pinahahalagahan nila ang kanilang mga panauhin. Mahalaga sa kanila ang edukasyon. Marami sa kanila ang pansamantalang lumilisan upang mag-aral. Masisipag din ang mga Bontoc. Paghahalaman, paghahabi, pagmimina at paggawa ng palayok ang kanilang ikinabubuhay. Karamihan sa kanila ay tahimik ngunit mahilig sa kasiyahan.

Ang mga Kankanai
Naninirahan sa Benguet at Mountain Province ang mga Kankanai. Hanggang ngayon, ang mga kalalakihang Kankanai ay nakabahag samantalang ang mga babae ay nagsusuot ng palingay o tapis at kaba o blusa. Mahilig din sila sa mga palamuti sa katawan. Ang Ilan sa kanila ay naglalagay ng tattoo sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Ang mga Kalinga
Matatagpuan din sa Benguet at Mountain Province ang mga Kalinga. Kilala sila sa kanilang katapangan. Ang kanilang mga ninuno ay handang pumatay para sa ikararangal ng kanilang tribu. Pinupugutan nila ng ulo ang kanilang mga kaaway. Pinararangalan nila ang mga taong nagmamalasakit sa kanilang pangkat. Mahilig din sila sa marangyang piging. Kapuna-puna rin ang kanilang makukulay na mga kasuotan.

Ang mga Inibaloi
Sa Timog Benguet naninirahan ang mga Inibaloi o Ibaloi. Sila ay may matibay na pananampalataya sa mga espiritu. Sa katunayan, marami silang mga seremonya. Pagtatanim ng gulay sa dalisdis ng mga bundok ang kanilang ikinabubuhay.

Ang mga Tinggian
Namumuhay sa mga kabundukan ng Abra at Ilocos ang mga Tinggian. Pangangaso at pagkakaingin ang kanilang ikinabubuhay. Nag-aalaga rin sila ng mga kalabaw, kabayo, baka at iba pang mga hayop. Bumababa lamang sila sa kapatagan upang makipagkalakalan. Nasa itaas ng mga puno ang kanilang mga bahay upang mapangalagaan ang kanilang sarili sa mga mababangis na hayop sa gubat.
 (Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Isneg
Sa Apayao naninirahan ang mga Isneg. Sila ay tahimik at magagalang. Ang kanilang pisikal na kaanyuan ay tulad ng isang karaniwang Pilipino.

Ang mga Ita o Baluga
Matatagpuan ang mga Ita o Baluga sa mga bundok ng Zambales at Sierra Madre. Sila ay pinaniniwalaang pinagmulan ng mga Negrito. Maliliit at maiitim sila. Makakapal ang mga labi at kulot ang buhok ng mga Ita. Palabuy-laboy at wala silang permanenteng tirahan. Kung  magkaroon man, ito'y yari sa pira-pirasong kahoy. mga dahon o anurnang bagay mula sa kanilang paligid. Gumagawa sila ng sibat, pana at itak na kanilang ginagarnit sa pangangaso. May ilan ding marunong magkaingin.

Ang mga Agfa
Sa Palanan, Isabela naman naninirahan ang mga Agta. Ang kanilang mga bahay ay matatagpuan malapit sa baybayin. Tinatawag nila itong lean-to na hugis tatsulok. Ipinatutupad din nila ang kanilang mga sinaunang batas para sa kapayapaan at kaayusan. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay ngunit marami rin sa kanila ang nangangaso at nagkakaingin.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Ati Negros at Ati Panay 
Mula sa Kabisayaan ang mga Ati Negros at Ati Panay. Tinagurian silang mga Pintados dahil sa mga tattoo nila sa katawan. Kapuna-puna rin ang maraming hikaw at sunud-sunod na butas sa kanilang mga tainga. Maliliksi silang kumilos. Mahusay silang gumamit ng arnis at eskrima. Naniniwala rin sila sa pagbibigay ng dote o bigay-kaya sa angkan ng babaeng nililigawan.

Ang mga Mangyan
Sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro naninirahan ang mga Mangyan. May iba't ibang pangkat ng mga Mangyan na matatagpuan sa mga kabundukan ng Mindoro. Kabilang dito ang mga Tao Buhid, Iraya, Hanunuo, Batangan, Ratagnon at Bangon at pangangalap ng mga. Lubha silang kahanga-hanga dahil sa angkin nilang talino. May sarili silang alpabeto na hanggang ngayon ay kanila pa ring ginagamit. Ang kanilang mga akda ay nakaukit sa mga kawayan. Ang  kanilang tirahan ay yari sa kahoy, kawayan at damo. Pagsasaka, pangangaso at pangangalap ng pagkaing-gubat ang kanilang ikinabubuhay. Paminsan-minsa'y bumababa sila sa kapatagan upang makipagpalitan ng kalakal.
 (Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Tagbanua
Matatagpuan sa Palawan ang mga Tagbanua. Sila ay mula sa lahi ng mga Indones. Sila ay matatangkad at may matitipunong katawan. Mahahaba ang buhok ng mga kababaihan ngunit hindi ang sa mga kalalakihan. Palay ang pangunahin nilang produkto. Mula rito, gumagawa sila ng alak. Marami silang mga gawaing panrelihiyon. Kabilang dito ang seremonya sa pagpapasalamat sa masaganang ani. Iginagalang din nila ang mga tagapamagitan sa espiritu o babaylan.

Ang mga Maranao
Mula sa Lanao del Sur at Misamis Oriental ang mga Maranao. Kilala sila sa pagiging matatapang. Handa nilang ipagtanggol ang kanilang lupain. Masining at malikhain din sila. Kahanga-hanga ang mga disenyong ukit nila sa kahoy at maging ang mga gamit na yari sa tanso at pilak. Mahuhusay silang maghabi, lalung-lalo na ng mga makukulay na malong. Pangingisda at pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay.

Ang mga Tausug
Naninirahan ang mga Tausug sa Basilan, Zamboanga, Tawi-Tawi at Sulu. Labis ang kanilang pagpapahalaga sa katayuang panlipunan. Matatapang sila at handang ipagtanggol ang kanilang paniniwala. Hindi gaanong mahalaga sa kanila ang edukasyon ngunit lubos naman ang kanilang pagmamalaki sa kanilang mga tradisyon. Marami silang mga instrumentong pangmusika. May mga awit at sayaw sila para sa pagdiriwang na panrelihiyon. Pangingisda at paninisid ng perlas ang pangunahin nilang gawain. Dahil dito, tinawag silang tausug o tao ng agos.


Ang mga Badjao
Mula sa Tawi-Tawi at Sulu ang mga Badjao. Sila ay kilala bilang mga hitanong dagat o Sea Gypsies.Naninirahan sila sa mga bangkang- bahay. Gaya ng mga Tausug, pangingisda at paninisid ng perlas ang kanilang ikinabubuhay.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Manobo
Sa Agusan naninirahan ang mga Manobo. Sila ay mahilig sa makukulay na kasuotan. Naglalagayan din ng tattoo sa buong katawan ang mga kalalakihan. Ang mga babae naman ay naglalagay ng tattoo sa binti at sakong. Mahihilig sila sa mga palamuti na yari sa buto ng halaman, mga kabibe at mga ngipin ng buwaya. Paborito rin nila ang nganga.

Ang mga Tiruray
Matatagpuan sa Timog Cotabato ang mga Tiruray. Sila ay lubhang mahiyain. Hindi sila lubusang   matatapang. Naniniwala pa rin sila sa kasalang ipinagkakasundo ng mga magulang.

Ang mga T'boli
Mula sa Sarangani ang mga T'boli. Maayos sila sa sarili at sa tahanan. Marami silang kaalaman sa pag- papaganda gaya ng pagpupulbos ng apog sa pisngi at pagpapapula ng labi sa pamarnagitan ng isang uri ng bunga. Mahilig silang magsuot ng hikaw, singsing at pulseras sa braso. Ang kanilang tahanan ay may patulis na bubong at may iisang silid. Pagtatanim ng mga gulay at bungangkahoy sa paligid ng bahay ang kanilang ikinabubuhay.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Popular Filipino Folk Songs: Harana, Kundiman, Kumintang, Balitaw

Popular Filipino Folk Songs: Harana, Kundiman, Kumintang, Balitaw


Filipinos love to sing. They sing for many reasons. They sing when they are happy. They sing, too, when, they are sad. They sing to put their children to sleep. Do you know what name is given to this kind of song?

There are also Filipino folk songs to make people laugh. They tell funny stories. Sometimes the stories they tell are silly, but some people enjoy listening to them.

There are songs that teach moral lessons, too. They are sung to advise' young girls on how to choose a husband. Many of our songs are songs of love. Some have a happy tune. Others have a sad tune.

We have songs about love of country and about a great hero. In the past when peopl went to war, they sang war songs.
The Filipinos have songs for every occasion.`

A very popular song in our barrios, is the planting song. As farmers plant, they sing to the tune of a musical instrument known as the kudyapi. The song makes the hard work of planting in the mud easier. It makes the work faster, too. Our school children know very well a planting song. Can you guess what it is? Can you sing?

Harvesting time is also a time for gay songs. This is especially so if the harvest is plentiful.

Very much enjoyed by young men and women is the harana. This is sung on moonlight nights under the window of a young girl. The song is sung by a man who admires her or by someone the man has invitedd to sing for him. The harana talks of love. It is a means by which a young man tells a girl of his  admiration for her.

Another very popular Filipino Song is the kundiman. This kind of song talks about different feelings. It may talk about joy, sorrow or pain. Many of our music makers are known for their kundiman. Most of our people, even the young ones, enjoy listening to them because of their beautiful tunes and words.

The kundiman speaks of the beauty of the Filipino women and the bravery of the men. They may tell of the loveliness of our country or of our pride in our people. Can you give an example of a kundiman? What do the words speak about?

Very popular, especially in the past, is the kumintang. The war songs of long ago were named kumintang. This has a livelier tune than the kundiman. Do you know how the kumintang is sung?

Still another Filipino folk song is the awit. This song has a legend or tale to tell. It is often sung by the old people who love to tell stories of long ago. An example of the awit is "Florante at Laura"

Another song that tells a story is the balitaw which is very much sung in the Visayan islands. It is often sung by a man and a woman while they dance and try to outsing each other. The Visayans are proud of their balitaw as the Tagalogs are of their kundiman.

We should all be proud of our beautiful Filipino folk songs.

Si Filemon-Filipino Folk Song (Ilonggo, Visayan and English Lyrics)

Si Filemon-Ilonggo Lyrics

Si Filemon, Si Filemon namasol sa karagatan
Nakadakop, Nakadakop, sang isda nga tambasakan,
Guinbaligya, guinbaligya sa tindahan nga guba
Ang iya nakuha, ang iya nakuha guin bakal sang tuba

Si Filemon-Cebuano Lyrics

Si Pilemon, Si Pilemon namasol sa kadagatan
Nakakuha, nakakuha ug isda'ng tambasakan
Guibaligya, Guibaligya sa merkado'ng guba
Ang halin puros kura, ang halin puros kura igo ra i panuba.

English Translation

Filemon, Filemon went fishing in the sea
He caught, he caught a tambasakan
He sold it, he sold it in the dilipated market
He earned a little cash, he earned a little cash,
just enough to buy tuba.

Tagalog Translation

(Ito ang natutunan ko noong ako ay bata pa.)
Si Filemon, si Filemon, nangisda sa karagatan,
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan
Pinagbili, pinagbili sa sira-sirang palengke
Ang kanyang pinagbilhan, Ang kanyang pinagbilhan,
Pinambili ng tuba.