Popular Posts

Advertisement

Saturday, September 17, 2011

Napahiya Ka Ano? - Filipino Folk Song (Lyrics and Video)

Napahiya Ka Ano
Mabuhay Singers
Lyrics

Sa aming kapitbahay may isang dalaga
Mistulang Pilipina ang taglay n'yang ganda.
Kaya ang aking puso agad nabihag n'ya
Ngunit nang niligawan ito'y sister pala.

Napahiya ka, ano? Napahiya ka!
Kasi papasuk-pasok sa alanganin.
Napahiya ka, ano? Anong say mo?
Kaya't kaunting ingat lang pare ko.

Mayroong isang binata ako'y niligawan
Sa garbo at sa arte siya'y ubod ng yaman
Manding pinasyang minsan akala ko'y high class
Kumain sa palengke iyan ang aming labas.

Napahiya ka, ano? Napahiya ka!
Kasi papasuk-pasok sa alanganin.
Napahiya ka, ano? Anong say mo?
Kaya't kaunting ingat lang mare ko.

(Instrumental)

Kaya't ang gintong-aral sa bawat sinuman
Pasok sa alanganin, sadyang iiwasan
Pagkat ang punu't dulo pag napasubo ka
Bukod pa sa insulto, kakantiyawan ka pa!

Napahiya ka, ano? Napahiya ka!
Kasi papasuk-pasok sa alanganin.
Napahiya ka, ano? Anong say mo?
Kaya't kaunting ingat lang pare ko.

Napahiya ka ano?
Eh, ano! Hindi naman sagad!


Watch the video with onscreen lyrics

0 comments:

Post a Comment