Popular Posts

Advertisement

Thursday, February 3, 2011

Filipino: Tagalog Folk Song-Ang Dalagang Pilipina Lyrics

Ang Dalagang Pilipina Lyrics
Filipino: Tagalog Folk Song

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob
Bulaklak na tanging marilag, ang bango
ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak, hantungan ng
madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina, karapat-dapat
sa isang tunay na pagsinta.

0 comments:

Post a Comment