Popular Posts

Advertisement

Friday, February 4, 2011

Iba't-ibang Pangkat ng mga Filipino

Sinu-sino ang mga taong bumubuo ng bansang Pilipinas?
Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng mga magkakalayong pulo. Bukod dito, maraming bundok ang nakahiwalay at nakapagitan sa mga pangkat ng Pilipinong naninirahan sa Pilipinas. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa wikain, pananampalataya, paraan ng pamumuhay, kaugalian at tradisyon ang mga tao. Bunga nito, nagkaroon ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipino. Mauuri sila sa dalawa. Ang una ay binubuo ng mga malalaking pangkat ng mga Pilipino na naninirahan sa kapatagan at tabing-ilog. Ang ikalawang pangkat ay kinabibilangan ng mga maliliit na pangkat na karaniwang naninirahan sa mga kabundukan at mga malalayong lugar. Sila ay tinatawag na minoryang kultural. Maliit lamang ang bilang ng bawat maliliit na pangkat na ito. Sila'y  namumuhay ayon sa sinaunang paraan at sa pamumuhay na kanilang kinamulatan.

Ang Malalaking Pangkat ng mga Pilipino

Ag mga Ilocano
Nagmula ang mga Ilokano sa hilagang bahagi ng Luzon. Sila ay naninirahan sa mga rehiyong matatagpuan sa mga bulubundukin na may makitid na lupang sakahan. Bunga nito, di-sapat ang pinagkukunan nila ng ikinabubuhay. Kaya naman, kilala ang mga Ilocano sa pagiging masinop, masipag, malikhain at mapagtiis. Dahil din sa kakulangan sa mga likas na yaman, marami sa kanila ang nandarayuhan sa ibang rehiyon o sa ibang bansa. Malikhain din ang mga Ilokano bunga na rin ng kakulangan sa mga materyal na bagay mula sa kanilang kapaligiran. Makikita ito sa kanilang mga produkto tulad ng burnay (mga banga, plorera at iba pang mga kagamitan mula sa luwad), hinabing tela, muwebles (mesa, upuan at kagamitang-bahay na yari sa kahoy at kawayan), tabako at iba pa.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Pangasinense
Ang mga Pangasinense ay naninirahan sa timog ng Hilagang Luzon. Kagaya ng mga Ilocano, naninirahan sila sa kapaligirang di-sapat ang pinagkukunan ng ikabubuhay. Sila ay masisinop, masisipag at umaasa sa sariling kakayahan. Pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan nila ng ikinabubuhay. Kabilang sa kanilang produkto ay isda at mga produkto mula sa isda gaya ng bagoong at daing.

Ang mga Kapampangan
Mula sa lalawigan ng Pampanga, ilang bahagi ng Tarlac at Nueva Ecija ang mga Kapampangan. Ang mga lugar na ito ay tinaguriang Gitnang Luzon na may malawak at matabang lupang sakahan. Isang dahilan ito kung bakit ang mga Kapampangan ay sagana sa pagkain at rekado. Dahil dito, mahusay at masarap silang magluto. Hindi nila suliranin ang pinagkukunang-yaman. Ang mga Kapampangan ay mahilig sa kasiyahan, pananamit at pag-aayos ng sarili.

Ang mga Tagalog
Ang mga Tagalog ay naninirahan sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, Laguna, Rizal, Cavite, Batangas, Quezon, Marin1uque at Mindoro. Nasa gitna ng mga lalawigang ito ang Kalakhang Maynila na kinikilalang sentro ng pulitika edukasyon, kultura at kabuhayan. Mayaman ang mga lupain ng Katagalugan kaya paboritong pasyalan . ito ng mga ibang pangkat ng mga Pilipino. Ang kagandahan ng kalikasan ang dahilan kung bakit isinasabuhay ito ng mga tao sa iba't ibang anyo ng sining gaya ng paglikha ng tula, awit at iba pang anyo ng panitikan. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Tagalog sa kanilang sarili at pamilya. Mahigpit ang pagkakabuklud-buklod ng mga kasapi ng bawat pamilya.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Bikolano
Matatagpuan ang mga Bikolano sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate, Sorsogon at Catanduanes. Ang tangway ng Bicol ay mayaman sa mga biyayang pangkalikasan datapwat ito ay madalas daanan ng bagyo. Ito ang pangunahing dahilan ng pagiging maingat nila sa kapaligiran. Dahilan din ito ng kanilang pagiging relihiyoso. Ipinapasa-Diyos nila ang anumang sakuna o kalamidad na dumarating sa kanilang buhay dulot ng kalikasan. Ayon sa mga pananaliksik, maraming pari at madre ang nagmula sa rehiyong ito. Mahilig sila sa mga kasiyahan at pagdiriwang na panrelihiyon bilang pasasalamat sa magandang ani. Mahilig sila sa mga pagkaing maanghang at sa mga pagkaing may gata. Ipinagmamalaki nila ang mga produkto mula sa abaka, pili, anahaw at iba pa.

Ang mga Ilonggo
Ang mga Ilonggo ay biniyayaan ng maganda at masaganang lupain. Mayaman din ang kanilang mga anyong tubig. Dala ng likas na ganda ng kanilang lupain, ang mga Ilonggo ay kilalang   romantiko, malumanay magsalita mahinahon at malambing. Naglalaan sila ng panahon ng pagliliwaliw matapos ang isang buong araw na pagtatrabaho. Magiliw sila sa mga bisita kaya lagi nilang pinipilit na bigyan ng kasiyahan ang mga ito sa bawat pagdalaw.

Ang mga Cebuano
Kilala ang mga Cebuano sa tawag na Sugbuhanon o Sibuhanon. Naninirahan sila sa Kalakhang Cebu, mga kalapit na lalawigan, kabilang na ang malaking bahagi ng Mindanao. Kaya naman, ang mga Cebuano ang may pinakamalaking bilang ng pangkat-Pilipino. Pumapangalawa sa kanila ang mga Tagalog.
Mahilig silang makipagsapalaran sa lunsod. Sa katunayan, marami sa kanila ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng bansa. Karamihan din sa kanila ay mga Katoliko. Hindi ba't ang Cebu   ang naging unang pamayanang Kastila sa Pilipinas? Ang mga Cebuano ang unang nahikayat ng mga Kastila na maging Katoliko.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Waray
Ang mga Waray ay nagmula sa mga pulo ng Samar at Leyte. Sagana sa mga yamang-lupa at yamang-dagat ang kanilang Lugar. Subalit, madalas daanan ng bagyo ang kanilang lugar na nagbubunga ng pagkasira ng kanilang mga ari-arian.  Bunga nito, ang mga Waray ay masisinop, may payak na pamumuhay at may matatag na kalooban sa mga pagsubok sa buhay. Sila ay matiisin at di maluho sa buhay.

Ang mga Muslim
Ang mga Muslim na  Pilipino ay mula sa iba't ibang lalawigan ng Mindanao. Kilalang- kilala sila sa katapangan  kaya hindi nasakop ng mga dayuhan ang kanilang lupain. Tapat sila sa kanilang binitawang salita. Labis ang pagpapahalaga nila sa mga kautusan mula sa Koran, ang kanilang Banal na Aklat.

Ang mga Pangkat-Minorya
Kilalanin ang mga pangkat-minorya. Maraming mga pagbabago ang nagaganap sa Pilipinas. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, mayroon pa ring maliit na bahagi ng ating populasyon na nananatili sa sinaunang tradisyon, kultura, paniniwala at paraan ng pamumuhay. Sila ang mga katutubo o ang mga pangkat-minorya. Maliit lamang ang kanilang kabuuang bilang. Kilala rin sila bilang minoryang kultural sapagkat napanatili nila ang kinagisnan nilang kultura.

Humigit-kumulang sa 60 pangkat-etniko ang matatagpuan sa ating bansa. Narito ang Ilan sa kanila.

Ang mga Ifugao
Naninirahan sa mga lalawigan ng Ifugao at Benguet ang mga Ifugao. Sila ay matatalino at matitiyaga.
Pinatunayan ito ng kanilang nilikhang pay-yo o ang hagdan-hagdang palayan sa Banaue. Sila ay masisipag. Nabubuhay sila sa pagsasaka, paglililok ng mga kasangkapang kahoy at paghahabi ng bulak at kapok upang gawing kumot, bahag at damit. Dahil sila ay namumuhay sa kabundukang may napakalamig na klima, ang kanilang tirahan na yari sa puno ng pino at kugon ay walang bintana. Matatapang din sila. Buong tapang nilang ipinagtanggol ang kanilang lupain laban sa mga Kastila.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Bontoc
Matatagpuan sa Benguet, Ifugao at Mountain Province ang mga Bontoc. Sila ay lubhang palakaibigan. Pinahahalagahan nila ang kanilang mga panauhin. Mahalaga sa kanila ang edukasyon. Marami sa kanila ang pansamantalang lumilisan upang mag-aral. Masisipag din ang mga Bontoc. Paghahalaman, paghahabi, pagmimina at paggawa ng palayok ang kanilang ikinabubuhay. Karamihan sa kanila ay tahimik ngunit mahilig sa kasiyahan.

Ang mga Kankanai
Naninirahan sa Benguet at Mountain Province ang mga Kankanai. Hanggang ngayon, ang mga kalalakihang Kankanai ay nakabahag samantalang ang mga babae ay nagsusuot ng palingay o tapis at kaba o blusa. Mahilig din sila sa mga palamuti sa katawan. Ang Ilan sa kanila ay naglalagay ng tattoo sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Ang mga Kalinga
Matatagpuan din sa Benguet at Mountain Province ang mga Kalinga. Kilala sila sa kanilang katapangan. Ang kanilang mga ninuno ay handang pumatay para sa ikararangal ng kanilang tribu. Pinupugutan nila ng ulo ang kanilang mga kaaway. Pinararangalan nila ang mga taong nagmamalasakit sa kanilang pangkat. Mahilig din sila sa marangyang piging. Kapuna-puna rin ang kanilang makukulay na mga kasuotan.

Ang mga Inibaloi
Sa Timog Benguet naninirahan ang mga Inibaloi o Ibaloi. Sila ay may matibay na pananampalataya sa mga espiritu. Sa katunayan, marami silang mga seremonya. Pagtatanim ng gulay sa dalisdis ng mga bundok ang kanilang ikinabubuhay.

Ang mga Tinggian
Namumuhay sa mga kabundukan ng Abra at Ilocos ang mga Tinggian. Pangangaso at pagkakaingin ang kanilang ikinabubuhay. Nag-aalaga rin sila ng mga kalabaw, kabayo, baka at iba pang mga hayop. Bumababa lamang sila sa kapatagan upang makipagkalakalan. Nasa itaas ng mga puno ang kanilang mga bahay upang mapangalagaan ang kanilang sarili sa mga mababangis na hayop sa gubat.
 (Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Isneg
Sa Apayao naninirahan ang mga Isneg. Sila ay tahimik at magagalang. Ang kanilang pisikal na kaanyuan ay tulad ng isang karaniwang Pilipino.

Ang mga Ita o Baluga
Matatagpuan ang mga Ita o Baluga sa mga bundok ng Zambales at Sierra Madre. Sila ay pinaniniwalaang pinagmulan ng mga Negrito. Maliliit at maiitim sila. Makakapal ang mga labi at kulot ang buhok ng mga Ita. Palabuy-laboy at wala silang permanenteng tirahan. Kung  magkaroon man, ito'y yari sa pira-pirasong kahoy. mga dahon o anurnang bagay mula sa kanilang paligid. Gumagawa sila ng sibat, pana at itak na kanilang ginagarnit sa pangangaso. May ilan ding marunong magkaingin.

Ang mga Agfa
Sa Palanan, Isabela naman naninirahan ang mga Agta. Ang kanilang mga bahay ay matatagpuan malapit sa baybayin. Tinatawag nila itong lean-to na hugis tatsulok. Ipinatutupad din nila ang kanilang mga sinaunang batas para sa kapayapaan at kaayusan. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay ngunit marami rin sa kanila ang nangangaso at nagkakaingin.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Ati Negros at Ati Panay 
Mula sa Kabisayaan ang mga Ati Negros at Ati Panay. Tinagurian silang mga Pintados dahil sa mga tattoo nila sa katawan. Kapuna-puna rin ang maraming hikaw at sunud-sunod na butas sa kanilang mga tainga. Maliliksi silang kumilos. Mahusay silang gumamit ng arnis at eskrima. Naniniwala rin sila sa pagbibigay ng dote o bigay-kaya sa angkan ng babaeng nililigawan.

Ang mga Mangyan
Sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro naninirahan ang mga Mangyan. May iba't ibang pangkat ng mga Mangyan na matatagpuan sa mga kabundukan ng Mindoro. Kabilang dito ang mga Tao Buhid, Iraya, Hanunuo, Batangan, Ratagnon at Bangon at pangangalap ng mga. Lubha silang kahanga-hanga dahil sa angkin nilang talino. May sarili silang alpabeto na hanggang ngayon ay kanila pa ring ginagamit. Ang kanilang mga akda ay nakaukit sa mga kawayan. Ang  kanilang tirahan ay yari sa kahoy, kawayan at damo. Pagsasaka, pangangaso at pangangalap ng pagkaing-gubat ang kanilang ikinabubuhay. Paminsan-minsa'y bumababa sila sa kapatagan upang makipagpalitan ng kalakal.
 (Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Tagbanua
Matatagpuan sa Palawan ang mga Tagbanua. Sila ay mula sa lahi ng mga Indones. Sila ay matatangkad at may matitipunong katawan. Mahahaba ang buhok ng mga kababaihan ngunit hindi ang sa mga kalalakihan. Palay ang pangunahin nilang produkto. Mula rito, gumagawa sila ng alak. Marami silang mga gawaing panrelihiyon. Kabilang dito ang seremonya sa pagpapasalamat sa masaganang ani. Iginagalang din nila ang mga tagapamagitan sa espiritu o babaylan.

Ang mga Maranao
Mula sa Lanao del Sur at Misamis Oriental ang mga Maranao. Kilala sila sa pagiging matatapang. Handa nilang ipagtanggol ang kanilang lupain. Masining at malikhain din sila. Kahanga-hanga ang mga disenyong ukit nila sa kahoy at maging ang mga gamit na yari sa tanso at pilak. Mahuhusay silang maghabi, lalung-lalo na ng mga makukulay na malong. Pangingisda at pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay.

Ang mga Tausug
Naninirahan ang mga Tausug sa Basilan, Zamboanga, Tawi-Tawi at Sulu. Labis ang kanilang pagpapahalaga sa katayuang panlipunan. Matatapang sila at handang ipagtanggol ang kanilang paniniwala. Hindi gaanong mahalaga sa kanila ang edukasyon ngunit lubos naman ang kanilang pagmamalaki sa kanilang mga tradisyon. Marami silang mga instrumentong pangmusika. May mga awit at sayaw sila para sa pagdiriwang na panrelihiyon. Pangingisda at paninisid ng perlas ang pangunahin nilang gawain. Dahil dito, tinawag silang tausug o tao ng agos.


Ang mga Badjao
Mula sa Tawi-Tawi at Sulu ang mga Badjao. Sila ay kilala bilang mga hitanong dagat o Sea Gypsies.Naninirahan sila sa mga bangkang- bahay. Gaya ng mga Tausug, pangingisda at paninisid ng perlas ang kanilang ikinabubuhay.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

Ang mga Manobo
Sa Agusan naninirahan ang mga Manobo. Sila ay mahilig sa makukulay na kasuotan. Naglalagayan din ng tattoo sa buong katawan ang mga kalalakihan. Ang mga babae naman ay naglalagay ng tattoo sa binti at sakong. Mahihilig sila sa mga palamuti na yari sa buto ng halaman, mga kabibe at mga ngipin ng buwaya. Paborito rin nila ang nganga.

Ang mga Tiruray
Matatagpuan sa Timog Cotabato ang mga Tiruray. Sila ay lubhang mahiyain. Hindi sila lubusang   matatapang. Naniniwala pa rin sila sa kasalang ipinagkakasundo ng mga magulang.

Ang mga T'boli
Mula sa Sarangani ang mga T'boli. Maayos sila sa sarili at sa tahanan. Marami silang kaalaman sa pag- papaganda gaya ng pagpupulbos ng apog sa pisngi at pagpapapula ng labi sa pamarnagitan ng isang uri ng bunga. Mahilig silang magsuot ng hikaw, singsing at pulseras sa braso. Ang kanilang tahanan ay may patulis na bubong at may iisang silid. Pagtatanim ng mga gulay at bungangkahoy sa paligid ng bahay ang kanilang ikinabubuhay.
(Bumalik sa Filipino Folk Songs)

0 comments:

Post a Comment